Bakit yung mga sundalo na ginawang panangga sa mga abu sayyaf
at namatay pinugutan ng ulo o nawalan ng paa kamay ni hindi natin
kilala? at bakit kailangan magkaroon ng sariling billboard ang
mga politiko na wala namang ginawa kundi ang uminom ng mineral
water sa de-aircon na kwarto!.
Ang pinoy talaga nakakita lang ng camera nakakalimot na sa
sarili tignan mo na lang ang mga tao sa balita sa TV kahit
nilapa na ng sunog o tinangay ng bagyo ang bahay nila kakaway
at ngingiti pa rin sa camera minsan magtutulakan pa showbuz.!
Pero bobo nga ba ang pinoy? sa tingin ko e hindi. Siguro talagang
medyo hirap lang tayo minsan magpahayag ng gusto nating sabihin.
Siguro kaya tayo mahiyain ay dahil alam natin kung ano ang nasa
isip ng mga kapwa natin pilipino. Alam natin kung mapapahiya tayo
dahil ganoon din tayo manlait sa kapwa.
Ikinakahiya nila ang mga pinoy sa pilipinas, tingin nila tayo lang
at hindi sila ang pwedeng makasira sa pangalan. pero pag medyo
maganda ang balita sa bansa, ikinakabit nila ulit sa sarili ang
pagiging pilipino sila ang mga taong deperdible ang pagkaka-
mamayan ikinakabit at tinatanggal depende sa ihip ng hangin.
gusto mong lisanin ang barkong sa tingin mo'y papalubog na.
Basta't wag mo lang hahagisan ng anumang pabigat ang barko
habang pinagsusumikapan itong isalba ng ibang tao.
Basta't wag mo lang hahagisan ng anumang pabigat ang barko
habang pinagsusumikapan itong isalba ng ibang tao.
No comments:
Post a Comment